Isang Banghay-Aralin sa Filipino 6
I. Layunin: Nakagagawa ng isang mabisang paglalagom sa paksang napakinggan
II Paksang-Aralin: Paggawa ng Isang Paglalagom
Pakikinig: Bakit Nagtatago ang Alimango sa Lungga?
Sanggunian: Landas sa Pagbasa 6,p.102
Kagamitan: larawan ng alimango, pagong, palaka, alitaptap, at lamok
III. Pamaraan
A. Bago bumasa
1. Balik-aral
2. Pagwawasto ng takdang-aralin
3. Pagganyak Ano ang paborito mong hayop o kulisap?
4. Paglinang ng talasalitaan
Pagkilala sa salita sa tulong ng kasingkahulugan nito
Alamin A,p.106
5. Pagbibigay ng tanong na pangganyak
Bakit ipinatawag ni Haring Alimango ang mga hayop at kulisap?
5. Pag-alala sa mga pamantayan
B. Habang bumabasa
1. Pagtatakda ng layunin
a. Itala ang mahahalagang detalye ng kuwento, mula sa simula sa gitna at sa wakas.
b. Alamin ang pinakamataas na kawikaan dito.
C. Pagkatapos Bumasa
1. Pagsagot sa tanong na pangganyak
2. Pagtalakay
a. Sinu sino ang mga tauhan sa tulang pakwento?
b. Bakit ipinatawag ni Haring Alimango ang mga hayop at kulisap?
c. Anu ano ang mga dahilan nila?
3. Pangkatang Gawain
Isadula ang mga dahilang ibinigay ng mga sumusunod:
a. Palaka
b. Pagong
c. Alitaptap
d. Lamok
e. Alimango
4. Pagtatanghal ng bawat grupo
5. Pagsulat ng Lagom ng binasa sa sulating di pormal
IV. Pagtataya
Pagwawasto ng mga isinulat na lagom ng binasa
V. Takdang Aralin
Iguhit sa bond paper ang bahagi ng tula na naibigan mo.
Sanggunian: http://ruchiniccelzo.wikispaces.com/LESSON+PLAN+IN+FILIPINO+VI
No comments:
Post a Comment