Tuesday, October 14, 2014

Reflection on the Importance of Blogging in Education

 Blogging: A Tool for Learning

"Blogging is as much about sharing with one another as it is about getting your own voice out".

          What is a blog? A blog (sometimes referred to as a weblog) is a web publishing tool that allows authors to quickly and easily self-publish text, artwork, links to other blogs or web sites, and a whole array of other content. Blogs are set-up like conventional web sites, with navigation links, and other standard web site features. Blog postings are text entries, similar to a diary or journal, which include a posting date and may include comments by people other than the author, photos, links, or other digital media. Although blogs have been around for years, they have recently gained in popularity and consequently have received more media coverage. Blogs work well for students because they can be worked on at virtually any time, in any place with an Internet-enabled computer. Hence, they can be used by computer-teachers to create a classroom that extends beyond the boundaries of the school yard.


          Further, blogs are user-friendly technology. Fortunately for teachers, blogs are surprisingly easy to use. They require minimum technical knowledge and are quickly and easily created and maintained. Unlike many traditional web sites, they are flexible in design and can be changed relatively easily. Best of all, students will find them convenient and accessible via home or library computers. Blogging has also educational benefits. In addition to providing teachers with an excellent tool for communicating with students, there are numerous educational benefits of blogs. First, blogs are highly motivating to students, especially those who otherwise might not become participants in classrooms. Second, excellent opportunities for students to read and write. Third, effective forums for collaboration and discussion, and lastly, a powerful tools to enable scaffolded learning or mentoring to occur.

           As an educational tool, blogs may be integrated in a multi-faceted manner to accommodate all learners. Blogs can serve at least four basic functions. First, in classroom management. Class blogs can serve as a portal to foster a community of learners. As they are easy to create and update efficiently, they can be used to inform students of class requirements, post handouts, notices, and homework assignments, or act as a question and answer board. Second, in collaboration. Blogs provide a space where teachers and students can work to further develop writing or other skills with the advantage of an instant audience. Teachers can offer instructional tips, and students can practice and benefit from peer review. They also make online mentoring possible. For example, a class of older students can help a class of younger students develop more confidence in their writing skills. Students can also participate in cooperative learning activities that require them to relay research findings, ideas, or suggestions. Third, in discussions. A class blog opens the opportunity for students to discuss topics outside of the classroom. With a blog, every person has an equal opportunity to share their thoughts and opinions. Students have time to be reactive to one another and reflective. Teachers can also bring together a group of knowledgeable individuals for a given unit of study for students to network and conference with on a blog. Lastly, in student portfolios. Blogs present, organize, and protect student work as digital portfolios. As older entries are archived, developing skills and progress may be analyzed more conveniently. Additionally, as students realize their efforts will be published, they are typically more motivated to produce better writing. Teachers and peers may conference with a student individually on a developing work, and expert or peer mentoring advice can be easily kept for future reference.

Thursday, October 9, 2014

Quiz on Kwentong Bata: Haring Alimango (Bakit Nagtatago ang Alimago sa Lungga?)

Panuto: Batay sa pagkakaunawa sa kwento, sagutin ang mga sumusunod na tanong sa pamamagitan ng pagbibigay ng "comment" sa "post".

1. Ano ang pamagat ng kwento?
  • Sagot:

2. Sino-sino ang mga tauhan sa kwento?
  • Sagot:

3. Ano ang pagkakalarawan sa lugar na pinangyarihan ng kwento?
  • Sagot:

4. Sino ang namumuno sa lahat ng maliliit na mga hayop sa kaharian?
  • Sagot:
  5. Ano ang isa sa mga batas na ipinatupad ni Haring Alimago sa kaharian niya?
  • Sagot:

6. Sino ang may dala-dala ng bahay habang gumagapang o naglalakad?
  • Sagot:

7. Sino ang laging may dalang apoy habang lumilipad?
  • Sagot:

8. Sino ang laging maingay at nanunusok habang lumilipad?
  • Sagot:

9. Saan nagtatago si Haring Alimango matapos mapatay si Deng Lamok?
  • Sagot:

10. Nakakita ka na ba ng alimago? Ilarawan ang itsura nito.
  • Sagot:

11. Para sa iyo, tama ba ang ginawa ni Haring Alimango na tumago at hindi harapin ang nagawang kasalanan? Bakit?
  • Sagot:

12. Nagawa mo na rin bang tumago mula sa iyong nagawang kasalanan? Bakit?
  • Sagot:

13. Sino ang gusto mong tauhan sa kwento? Bakit?
  • Sagot:

14. Sino ang ayaw mong tauhan sa kwento? Bakit?
  • Sagot:

15. Ano ang napulot mong aral mula sa kwento?
  • Sagot:

Thursday, October 2, 2014

Content of the Lesson Plan


 Ang mga tauhan sa kwento:

 Haring Alimango

Muhamad Alitaptap


Pong Pagong

Palakang Kokak

Deng Lamok




Paksa: Kwentong Pambata: Haring Alimango

 Bakit Nagtatago ang Alimango sa Lungga?

Noong unang panahon, sa isang tago at matubig na lugar, hari ang isang alimango. Siya si Haring Alimango. . Siya ang hari ng lahat ng maliliit na mga hayop sa kapaligiran/kaharian niya.

Mahigpit na hari si Haring Alimango. Kung ano-anong batas na "malasado" ang naiisip niya para ipatupad. Isa na rito ay ang pagiging tahimik dapat ng lahat pag natutulog siya.


Isang araw, habang natutulog si Haring Alimango, nag ingay ang mga Palakang Kokak. Kokak sila ng kokak at tawanan ng tawanan. Dahil dito, nagising ang hari at ipinatawag ang mga Palakang Kokak na nag-iingay.

Haring Alimango: Bakit kayo nag ingay noong natutulog ako? Alam ba ninyong bawal yun?

Mga Palakang Kokak: Nagtatawanan kami kasi si Pong Pagong dala-dala niya ang bahay niya habang gumagapang.

Haring Alimango: Ganoon ba? Mga kawal! Tawagin si Pong Pagong.

Mga kawal: Opo kamahalan.

At dumating nga si Pong Pagong.

Haring Alimango: Bakit dala-dala mo ang bahay mo. Pinagtatawanan ka tuloy ng mga palakang kokak.

Pong Pagong: Paano po si Muhamad Alitaptap laging may dalang apoy. Natatakot po ako na pag iniwan ko ang bahay ko ay sunugin ni Muhamad Alitaptap.

Haring Alimango: Mga kawal! Tawagin si Muhamad Alitaptap.

At dumating si Muhamad Alitaptap.

Haring Alimango: Bakit may dala-dala kang apoy?

Muhamad Alitaptap: Si Deng Lamok kasi eh. Makulit. Laging maingay at nanunusok. Kaya ako nagdala ng apoy para proteksiyon ko laban kay Deng Lamok.

Haring Alimango: Mga kawal! Tawagin si Deng Lamok.

At dumating si Deng Lamok.

Haring Alimango: Bakit mo tinutusok si Muhamad Alitaptap.

Deng Lamok: (Hindi sumagot. Lumipad at tinusok sa noo si Haring Alimango.)

Haring Alimango: (Sinampal ang kanyang noo at patay si Deng Lamok.)

Nalaman ng mga kamag-anak ni Deng Lamok ang nangyari at pinahuli nila si Haring Alimango.

Natunugan naman ni Haring Alimango ang plano at nagtago siya sa isang lungga.

Kumalat ang balita.

Nagtatago raw si Haring Alimango sa isang lungga.

Kaya lahat ng kamag-anak ni Deng Lamok ay pinaghahanap si Haring Alimango sa mga lungga.
Makalipas ang panahon...

Nakaranas na ba kayong tumutunog/lumilipad ang lamok malapit sa inyong tenga? Ayun! Hanggang ngayon hinahanap pa rin nila ang pumatay sa kamag-anak nilang si Deng Lamok.




Isang Banghay-Aralin sa Filipino 6

  Isang Banghay-Aralin sa Filipino 6

I. Layunin: Nakagagawa ng isang mabisang paglalagom sa paksang napakinggan

II Paksang-Aralin: Paggawa ng Isang Paglalagom


Pakikinig: Bakit Nagtatago ang Alimango sa Lungga?
Sanggunian: Landas sa Pagbasa 6,p.102
Kagamitan: larawan ng alimango, pagong, palaka, alitaptap, at lamok

III. Pamaraan


A. Bago bumasa
1. Balik-aral
2. Pagwawasto ng takdang-aralin
3. Pagganyak Ano ang paborito mong hayop o kulisap?
4. Paglinang ng talasalitaan
Pagkilala sa salita sa tulong ng kasingkahulugan nito
Alamin A,p.106
5. Pagbibigay ng tanong na pangganyak
Bakit ipinatawag ni Haring Alimango ang mga hayop at kulisap?
5. Pag-alala sa mga pamantayan


B. Habang bumabasa
1. Pagtatakda ng layunin
a. Itala ang mahahalagang detalye ng kuwento, mula sa simula sa gitna at sa wakas.
b. Alamin ang pinakamataas na kawikaan dito.


C. Pagkatapos Bumasa
1. Pagsagot sa tanong na pangganyak
2. Pagtalakay
a. Sinu sino ang mga tauhan sa tulang pakwento?
b. Bakit ipinatawag ni Haring Alimango ang mga hayop at kulisap?
c. Anu ano ang mga dahilan nila?
3. Pangkatang Gawain
Isadula ang mga dahilang ibinigay ng mga sumusunod:
a. Palaka
b. Pagong
c. Alitaptap
d. Lamok

e. Alimango
4. Pagtatanghal ng bawat grupo
5. Pagsulat ng Lagom ng binasa sa sulating di pormal


IV. Pagtataya
Pagwawasto ng mga isinulat na lagom ng binasa


V. Takdang Aralin
Iguhit sa bond paper ang bahagi ng tula na naibigan mo. 



Sanggunian:  http://ruchiniccelzo.wikispaces.com/LESSON+PLAN+IN+FILIPINO+VI